Ang Pagbubukas ng Pintuang Hubileyo sa Dambanang Pangarkediyosesis ni Santa Ana, Lungsod ng Taguig
Ang Pagbubukas ng Pintuang Hubileyo sa Dambanang Pangarkediyosesis ni Santa Ana, Lungsod ng Taguig
Ni Marvin Jimenez
Ang Pagbubukas ng Pintuang Hubileyo sa Dambanang Pangarkediyosesis ni Santa Ana, Lungsod ng Taguig. Isang buwan matapos buksan ang Pintuang Hubileyo ng Katedral ng Immaculada Concepcion sa lungsod ng Pasig at ng Dambanang Pangdiyosesis ni Santa Marta, Parokya ni San Roque, sa bayan ng Pateros, binuksan naman kanina sa ganap na ikasampu ng umaga ang Pintuan ng Hubileyo ng Dambanang Pangarkediyosesis ni Santa Ana sa lungsod ng Taguig.
Ang pagbubukas ng pintuang hubileo ay pinangunahan ng lubhang kagalang-galang Mylo Hubert C. Vergara, D.D., ang Obispo ng Diyosesis ng Pasig, kasama ang humalili kay Reb. Padre Renier Llorca, Kura Paroko ng Dambana ni Santa Ana, na si Reb. Padre Edgardo Barrameda na siyang nagbasa ng Makasaysayang Tanda at Dekreto na Apostolic Penitentiary. Kasama rin kanina sina Reb. Padre Jeorge Bellosillo, Kura Paroko ng Dambanang Pangdiyosesis ni Santa Marta at Parokya ni San Roque sa bayan ng Pateros; Reb. Padre Robi Okol, ang ceremoniero sa makasaysayang pagdiriwang na ito, ilang kaparian mula sa Diyosesis ng Pasig at ilang mga lingkod ng pamahalaang lokal ng lungsod ng Taguig.
Nagkaroon ng maikling panalangin sa labas ng dambana bago buksan ang pintuan.Sinundan ng banal na misa ang pagbubukas ng pintuang hubileyo sa pangunguna muli ng ating mahal na obispo at ng mga kasamang kaparian. Bago matapos ang misa ay nagbigay na mensahe ng pasasalamat ang humalili sa kura paroko na si Reb. Padre Edgardo Barrameda na sinundan naman ng maikling mensahe mula sa butihing Congresswoman, Ikalawang distrito ng Taguig, Kagalang-galang Maria Laarni "Lani" Cayetano.
Sa pagtatapos ng misa ay iginawad ang pagbabasbas at ang indulhensya plenarya ng ating mahal na obispo sa mga nakiisa sa misa; sa mga dumalo at sa mga sumubaybay sa kani-kanilang tahanan sa pamamagitan ng onlayn o ng telebisyon.Narito ang ilang kuhang larawan sa ginanap na pagdriwang kanina sa Dambanang Pangarkediyosesis ni Santa Ana, Lungsod ng Taguig.